Tuesday, 23 September 2008

Mahirap ng Magsalita

Bakit me mga taong walang pakiramdam?

Di naman sa nagrereklamo ako pero me mga tamang oras sa bawat pagkakataon. Madali akong kausap, di ako mareklamo. Sa katunayan nga hanggat matitiis ko, titiisin ko dahil marunong akong umintindi. Lalo na sa mga tinuturing kong kaibigan. Di tayo pinanganak nun unang panahon pero siguro naman tumingin tayo ng pagkakaiba sa mga taong nasa paligid natin.

Pero sana kahit konting konsiderasyon. May mga taong matutulog at may trabaho pa kinabukasan.....

Gusto ko naman sanang matulog ng mahimbing na walang pangamba.....